Just another WordPress.com site

Monthly Archives: May 2023

Isang taon na ang nakalipas ng nagsalita ang mas nakararaming PIlipino na gusto nila si BBM at si Sara ang mamuno sa Pilipinas. Naalala ko pa noon ang mga oras matapos magsara ang mga presinto. Walang kaba kasi naintindihan ko na nagawa ko na ang responsibilidad kong bumoto. Hindi naman ako nakain ng politika ko at naintindihan ko na ang boses ng nakararami ang masusunod. Wala din naman akong kelangan patunayan at hindi din naman ako nakikipagkompetensya. Ramdam ko kung paano nanahimik ang bahay habang lumalalim ang gabi at lumalawak ang agwat ng pagkapanalo. Tinago ko ang ngiti ko bilang respeto sa bigat ng damdamin ng mga natalo.

Isang taon na pala ang nakalipas pero bakit meron pa rin mangilan-ngilan na dala pa rin ang pait ng nakaraan. Sila yung mga puno ng drama na parang telenovela ang buhay ng kanilang kandidata. Sila yung mga nagsasabing may naganap na dayaan pero wala mahaing kaso sa hukuman. Sila yung may patutsada na “… not my President” pero panay naman ang bantay at kuda sa bawat galaw ni PBBM. Sila yung mga laging galit at mapagkutya. Minsan nga naiisip ko na baka kaya ganun sila kasi “defense mechanism” nila sa mga taong inaway nila at, dahil sa pagkatalo, ay napahiya.

Isang taon na pala pero ayun hindi pa rin kayo nabibigyan ng kailangan ninyong “closure” mula sa inyong iniidolo. Patuloy kayong pinapaasa at inuudyok na gumawa ng aksyon pero siya mismo walang galaw. Siya na nga nagsabi na walang nakita. I think… deserve ninyo ang closure mula sa kanya para, once and for all, matapos na ang tapos na ng isang taon. Mahirap magmove on kung walang proper closure kaya siguro may ilan sa inyo hanggang ngayon umaasa… hanging kung baga. There is grace in losing but until, that fact is accepted and acknowledged, you will continue to fall in disgrace of losing.

Isang taon na pala ang nakalipas pero hanggang ngayon SD card pa din ang kwento mo sa pagkakalampaso sa iyong kandidato. Tama na ang kuda at dalhin mo sa korte ang ebidensya. Tulungan ninyo kandidato mo para magsampa ng reklamo. Ang hirap kasi nyan na puro ka yakyak pero mismong kandidato mo hindi naman gumagayak. Sana lang sa lahat ng pagtatanong mo kasama mo siya sa laban ninyo.

Isang taon na pala at hanggang ngayon lakas mo maka-angat ng bangko mo. Oo na… ikaw na magaling, mabait, busilak ang kalooban, at matalino. Mas nakaka-angat ka sa aming mga tinatawag mong bobo. Nakakatawa lang na sa sobrang talino at dalisay ng loob mo ay hindi ninyo naipanalo. Kaya siguro masakit, ano? Kasi sa lahat ng pang-aalipusta mo ay ganun din ang bagsak ng pink na lobo. Sana lang maintindihan mo na hindi pinamumuhay ang ganyang ugali. Hindi ka nakaka-angat sa nakararami. Sana din ma-realize mo na yung pagiging arogante ninyo ang siyang rason ng pagkatalo.

Isang taon na pala ang nakalipas na ako ay masaya sa pamahalaan. Ipinagpatuloy nila ang magandang nasimulan. Oo, hindi ito perpekto pero ramdam ko ang galawa nito. May diskarte na para sa bayan at taongbayan ang nakikinabang. Gumaganda ang takbo ng ekonomiya at unti-unting bumabangon mula sa sakuna. Ginagawa ng pamahalaan ang kelangan at gagawin ko din ang mga kelangan gampanan ko. Ganun naman kasi yun. Hindi inaasa lahat sa gobyerno. Hindi magikero ang binoto ko tulad ng tingin mo sa kandidato mo.

Isang taon na ang nakalipas mula nung huling halalan. By this time ay dapat na-realize mo na ang sagot ay wala sa iisang tao lamang. Pagkatapos ng botohan ay may kanya-kanyang buhay tayong babalikan. Meron din tayong mga responsibilidad na kelangan pagtuonan. Payo ko sayo ay huwag maiwan sa nakaraan. Pulutin lang ang mga importanteng aral. Kasi kung lagi mong babalik-balikan ang pait ng nakaraan, aguy… good luck na lang sa limang taon pa sa iyong harapan.